SUMULPOT na sa mga post sa Facebook si Jose Mari Chan nitong unang araw ng Setyembre at unti-unting lumalamig na ang panahon dahil sa paparating na nga ang Kapaskuhan pero hindi pa rin maisasantabi na gumiginaw dahil sa walang humpay na ulan dala ng habagat at Bagyong Enteng.
Isa nga ang bansa sa may pinakamasayang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay ito ay dahil sa marami sa ating bansa ang Katoliko hindi katulad sa Gitnang Silangan na karamihan ay Muslim at hindi nagdiriwang ng Pasko bagaman kinikilala nila si Hesus bilang mensahero o propeta.
Sa bansang marami ang Katoliko katulad ng Europa at Amerika, ang Pasko ay ipinagdiriwang lamang tuwing sasapit ang Simbang Gabi hanggang Pasko at may mga pagkakataon hanggang Enero 6 ang tinatawag na “Three Kings” o “Tatlong Haring Mago”.
Sa atin dito sa Pilipinas, pagsapit pa lamang ng panahon ng Adbiyento na mga araw o linggo ng paghahanda bago sumapit ang Simbang Gabi at Pasko ay hudyat na ang panahon ng Adbiyento na magpapasko na. Magtutuloy-tuloy ito lalo kapag Simbang Gabi na hanggang sa mismong araw ng Pasko.
Dudugtong ito hanggang Bagong Taon na kung sa ibang bansa ay pagtatapos na ng pagdiriwang ng Pasko pagsapit ng Bagong Taon, subali’t sa atin ay lalampas pa ang pagdiriwang ng Pasko sa Bagong Taon at tanging magwawakas lamang ito sa Kapistahan ng Tatlong Haring Mago o Tatlong Pantas na tinatawag nating Epiphany.
Sadya nga namang pinakamasaya, pinakamakulay at pinakamatagal ang pagdiriwang ng mga Pinoy ng Kapaskuhan. Sulit nga naman ang tinaguriang “The Most Wonderful Time of the Year- Christmas Seasons para sa mga Pinoy.
Kabi-kabilang party, handaan o kainan, kantahan, sayawan, exchange gifts, pagbibigay ng pamasko sa kapwa lalo na sa mga bata, pagpapaputok at pagpapailaw ng fireworks at iba pa ngunit. subali’t.. datapwa’t.. huwag nating kalimutan na… Jesus is the Heart of Christmas. Ipinadala siya sa atin dahil sa pagmamahal sa atin ng Diyos Ama sa Langit upang tayo ay iligtas.