Home OPINION BERSAMIN, HANDA NA SA SENADO?

BERSAMIN, HANDA NA SA SENADO?

351
0

NAGBAGO ang ihip ng hangin para kay dating Executive Secretary Luis Bersamin ukol sa pagsasangkot sa kanya sa bilyon-bilyong anomalya na bahagi ng P1.2 trilyong anomalya sa flood control projects sa ilalim ni Pangulong Bongbong Marcos.

Kaugnay ito sa rekord ni dating Public Works Undersecretary Cathy Cabral (Cabral Files) at napasakamay kay Senate Pro Tempore President Panfilo “Ping” Lacson.

Makaraang sa pakiramdam ni ex-ES Bersamin na siya ang ES na tinutukoy na may P8.3 bilyong insertion sa 2025 General Appropriations Act, ayon sa Cabral Files, handa na siyang humarap sa kahit anong investigating body malantad lang ang buong katotohanan.

Ang katotohanan para sa kanya ay wala siyang kinalaman sa nasabing insertion, na karaniwang may kikbakan, at kung totoong may insertion na gamit ang ES o ang kanyang opisina, gawa iyon ng ibang mga tao.

Nauna rito, unang isinangkot si Bersamin sa P52B insertion o kikbak nitong Nobyembre mismo ni Lacson din batay naman sa pahayag ni dating DPWH Usec. Robert Bernardo na nagsangkot kay dating DPWH Sec. Manuel Bonoan at kina ex-Department of Education Usec. Trygve Olaivar at Presidential Legislative Liaison Office Undersecretary Adrian Bersamin.

Sabi ni Lacson, “Sinabihan siya ni Usec. Trygve Olaivar na Secretary Bonoan asked Executive Secretary Bersamin several times. Sino ba magpa-facilitate nitong P52 billion? Of course, isasama sa bicam, paano ito re-release? Sino magpa-facilitate? Ang sagot ni ES Bersamin sa kanya, ‘We will take care of it.’ Sila na raw bahala.”

Dahil dito, pinag-resign siya.

Makaraan nito, sinabi ni Bersamin na handa siyang humarap sa imbestigasyon, maliban lang sa Senado.

Aniya sa reporters, “”Wag na sa Senate dahil alam ko roon, there is nothing that I can say there na hindi… If ever they want to charge me as the mastermind, whatever case they want to file ….file it.”

Pinakamaganda talaga ang desisyon ngayon ni ES Bersamin at sana may lalabas na higit na katotohanan, lalo’t magkaiba ang halaga ng iniuugnay sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here