MANILA, Philippines – Pansamantalang pagbabawalan muna ang mga mangingisda na maglayag sa Rozul Reef at mga dagat malapit sa Puerto Princesa, Palawan mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi sa Enero 25 hanggang 27 dahil sa posibleng rocket debris.
Sa Facebook post, sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) MIMAROPA na ang drop zones ay tinukoy kasabay ng paglulunsad ng China ng Long March 8A rocket mula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan province, China.
Inaasahang babagsak ang rocket debris sa layong 106 nautical mile smula Rozul Reef, 34 nautical miles mula Puerto Princesa, at 34 nautical miles mula Hadji Muhtamad, Basilan.
Narito ang specific drop zones na tinukoy:
DROP ZONE 1:
Point 1: Coordinates N11 49 E117 03
Point 2: Coordinates N12 31 E116 29
Point 3: Coordinates N12 51 E116 55
Point 4: Coordinates N12 38 E117 29
DROP ZONE 2:
Point 1: Coordinates N10 14 E118 09
Point 2: Coordinates N11 03 E117 31
Point 3: Coordinates N11 29 E118 06
Point 4: Coordinates N10 40 E118 44
DROP ZONE 3:
Point 1: Coordinates N06 49 E120 52
Point 2: Coordinates N07 41 E120 12
Point 3: Coordinates N08 00 E120 39
Point 4: Coordinates N07 08 E121 18
Hindi naman inaasahang babagsak sa lupa ang rocket debris.
Sa kabila nito ay maaari itong magdulot ng pinsala kung may mababagsakang barko.
Nagbabala naman ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa publiko laban sa pagpulot ng rocket debris dahil ang mga materyales nito gaya ng rocket fuel ay naglalaman ng toxins.
Hinimok din ang publiko na iulat sa PhilSA, lokal na pamahalaan, o BFAR ang anumang makikitang debris. RNT/JGC