Home NATIONWIDE BFAR: Suplay at presyo ng isda sa tag-init, stable

BFAR: Suplay at presyo ng isda sa tag-init, stable

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mananatiling sapat at matatag ang suplay at presyo ng isda ngayong tag-init ng 2025 dahil sa mas magandang kundisyon ng pangingisda.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, ang muling pagbubukas ng mga pangunahing fishing grounds tulad ng Zamboanga Peninsula, Palawan, Visayan Sea, at Davao Gulf ay magpapataas ng suplay.

Natapos na rin ang closed fishing seasons para sa sardinas sa Zamboanga at galunggong sa Palawan, na makakatulong sa pagpapanatili ng presyo.

Noong Marso 10, nasa P300 kada kilo ang presyo ng lokal na galunggong, ngunit inaasahang bababa ito. Upang mapanatili ang pagkakaiba-iba ng isda sa merkado at makontrol ang implasyon, pinayagan ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng mga isdang hindi karaniwang makikita sa mga lokal na pamilihan, tulad ng salmon.

Nilinaw ni Briguera na hindi ito makikipagkumpetensya sa mga lokal na mangingisda.

Bagamat nananatiling hamon ang mataas na presyo ng gasolina sa industriya ng pangingisda, nagbibigay ang gobyerno ng fuel subsidy sa mga municipal fishermen upang maibsan ang kanilang gastos. Sa kabila ng mga pagsubok, tiniyak ng BFAR na mananatiling sapat at matatag ang suplay at presyo ng isda sa bansa. Santi Celario