Home NATIONWIDE PNP nakahanda na sa kilos-protesta ng Duterte supporters

PNP nakahanda na sa kilos-protesta ng Duterte supporters

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na may nakahandang seguridad para sa pro-Duterte rally ngayong hapon sa Liwasang Bonifacio, Maynila.

Naganap ito matapos ang pre-trial ng dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan dahil sa kanyang kampanya kontra droga.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, binabantayan ng pulisya ang mga lugar ng rally at ina-adjust ang alert status para sa seguridad.

Nilinaw niyang naroon ang mga pulis upang mapanatili ang kaayusan at protektahan ang mga nagra-rally, hindi upang makipagtalo.

Sa ngayon, wala pang naiulat na tensyon sa pagitan ng mga dumalo sa pagtitipon. Mananatiling nakaantabay ang PNP upang tiyakin ang mapayapang pagdaraos ng rally. Santi Celario