Home HOME BANNER STORY VP Sara sa pagtakbo sa 2028: Do we still have a country...

VP Sara sa pagtakbo sa 2028: Do we still have a country by 2028?

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte ang hinaharap ng bansa nang tanungin kung tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2028.

Aniya, “Hindi ko alam, palubog ng palubog ng palubog tayo.”

“Do we still have a country by 2028?” dagdag pa ni VP Sara.

Ginawa niya ang pahayag matapos ang pretrial ng kanyang ama, dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa International Criminal Court (ICC), kung saan siya ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng drug war ng kanyang administrasyon.

Inaresto si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport noong Marso 11 at inilipat sa ICC Detention Center sa The Hague. Nauna niyang sinabi na maaaring maging daan ang kanyang pagkakaaresto para sa pagkapangulo ni Sara Duterte.

Samantala, nahaharap si VP Duterte sa isang impeachment trial sa Senado matapos siyang i-impeach ng Kamara noong Pebrero 5. Kapag napatunayang nagkasala, maaari siyang tuluyang mawalan ng karapatang humawak ng pampublikong posisyon. RNT