Home NATIONWIDE BFAR: Suplay ng isda para sa Holy Week, sapat  

BFAR: Suplay ng isda para sa Holy Week, sapat  

MANILA, Philippines- Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mayroong sapat na suplay ng isda sa pagsapit ng Mahal na Araw.

Ginarantiya ni BFAR chief information officer Nazzer Briguera ang increased loadings mula sa fish ports na katumbas ng mas maraming isdang ibinebenta sa merkado.

“It’s the peak season for fishing. So we expect sufficient supply [to be delivered] in the wet markets,” pahayag ni Briguera.

Tumugon din si Briguera sa pagkabahala ukol sa posibleng pagtaas ng presyo, at sinabing bumaba na ang presyo ng isda pagpasok pa lamang ng buwan.

“[For now], the price of galunggong per kilo went down to around 60 to 70 pesos,” dagdag niya.

Pumapalo ang kasalukuyang presyo ng bangus mula P150 hanggang P220 kada kilo depende sa laki, habang ibinebenta ang tilapia sa P120 hanggang P160 kada kilo. 

Samantala, mas mahal naman ang tuna sa P200 hanggang P260 kada kilo.

“We expect that there will be a slight increase in the price. The important thing is we have enough supply,” wika ng BFAR official.

Sa darating na holy week sa huling linggo ng Marso, inaasahan ang mas malaking demand sa seafood mula sa mga Katolikong Pilipino.

“Fishing days are increased during the summer because the seas are calmer. [This means] there’s more opportunity and increased productivity,” pagtitiyak ng BFAR. RNT/SA

Previous articleClarkson bida sa panalo ng Jazz sa Wizards
Next articlePSC lumahok sa international summit of young professionals in sports sa Thailand