Home NATIONWIDE BFP, DILG nakipagsanib-pwersa sa Comelec para sa Eleksyon 2025

BFP, DILG nakipagsanib-pwersa sa Comelec para sa Eleksyon 2025

0
BFP, DILG nakipagsanib-pwersa sa Comelec para sa Eleksyon 2025

MANILA, Philippines- Tutulong ang Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Interior and Local Government (DILG) sa Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng National and Local Elections (NLE), araw ng Lunes, May 12, 2025.

Sa isang panayam, sinabi ni BFP spokesperson Fire Senior Superintendent Annalee Carbajal-Atienza na itinaas ang red alert status sa buong bansa simula noong Mayo 9, 2025 hanggang May 13, 2025 o isang araw matapos ang eleksyon.

“Sa atin pong preparation ng Bureau of Fire Protection since January this year, we have already activated the contingency plan ng National and Local Elections. So, this is a continuation naman ng ating campaign for the patuloy na inspection ng polling precincts, as well as conduct of fire drills,” ang sinabi ni Carbajal-Atienza.

“As of this time, yung mga establishments or areas na non-compliant are still in the process of complying up to siguro before magkaroon ng election day. Ang ating tropa sa field ay ongoing din ng firetruck visibility sa areas na ito,” dagdag niya.

Kinumpirma rin ng DILG na kumikilos na ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) simula pa noong April 2025, at para na rin protektahan ang mga mamamahayag ngayong election season.

Sa kabilang dako, ibinahagi naman ni Undersecretary for Public Affairs and Communications Rolando Puno na tinitingnan na ng media vanguards sa pagkamatay ng dating alkalde at veteran journalist na si Juan “Johnny” Dayang, binaril sa loob ng kanyang bahay sa Kalibo, Aklan noong Abril 29.

“Medyo high-profile na ang ginagawa natin yan… DOJ, from what I understand, is conducting an investigation, and the President himself has taken an interest in that,” anito.

Sa kabila ng insidente, ibinahagi ni Puno na walang naitalang kaso ng media killings simula pa noong 2024 hanggang sa pagkamatay ni Dayang.

“We were hoping to keep that record clean until that incident the other week… May assurance naman ng PTFoMS and DILG Secretary na palaging nakatutok sila diyan and really, all the efforts have been made to ensure that all our friends in the media are protected,” ang pahayag ni Puno.

Samantala, pinaalalahanan naman ng DILG ang publiko na tiyakin ang kanilang kaligtasan mula sa fire incidents sa lahat ng lugar at kritikal na pasilidad.

Umapela si Undersecretary for Public Safety Serafin Barreto Jr. sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at ikasa ang safety precautions gaya ng tiyakin na may sapat na fire exits at may maayos na fire signages sa loob ng polling machines, huwag harangan ang exit o labasan ng items o objects na makahahadlang sa daanan, huwag mag-overload ng electrical outlets, lalo na sa mga lugar o kwarto na gagamit ng vote-counting machines at iba pang electronics, tiyakin na ang fire extinguishers at fire safety equipment ay nakahanda sa lahat ng pasilidad, iwasang gumamit ng ‘open flame’ gaya ng kandila o gas stove, sa loob ng pasilidad, at kagyat na ipaalam sa fire stations o personnel ang anumang fire hazards.

Ang pahayag na ito ay matapos ang insidente ng sunog sa isang eskwelahan, gagamitin sana bilang polling precinct para sa Eleksyon 2025 sa Bangued, Abra.

Sinabi ng BFP na nagsasagawa na ng imbestigasyon para malaman ang dahilan ng sunog, tinatayang P3.7 million ang naiulat na pinsala.

“All we have right now is the spot reports. Wala pa tayong information on whatever… The spot report is saying na nagkaroon fire incident last May 7 involving 4 units, the Principal’s office, Grade 1, Grade 2, Grade 3, as well as the estimated damage which is, sabi nga po, P3.7 million more or less,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here