Home METRO Mayor Vico dedma sa vote-buying complaint: ‘Kantahan na lang natin sila’

Mayor Vico dedma sa vote-buying complaint: ‘Kantahan na lang natin sila’

MANILA, Philippines- Tumugon si Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Sabado sa vote-buying complaint laban sa kanya sa pamamagitan ng isang kanta, nilinaw na ang distribusyon kamakailan ng scholarship program ng lungsod, na ayon sa reklamo ay labag sa election rules, ay saklaw ng exemption mula sa Commission on Elections (Comelec).

Kasunod ito ng pagkatanggap ni Sotto sa isang text message kung saan ipinagbigay-alam sa kanya ang isang press conference nitong Sabado ukol sa vote-buying allegations, na sinagot niya sa pagsasabing, “Grabe, ‘di na nagsawa.”

Ipinost niya ang screenshot ng text message na may caption na:

“Day 44 of 45. Ngitian at kantahan na lang natin sila… 

Presscon na naman, o kay tulin ng araw

Presscon nagdaan, tila ba kung kailan lang

Ngayon sa presscon, anong pag-iinitan?

Ang scholarship naman, kahit may exemption ‘yan

Presscon, presscon, presscon na namang muli. Di nila ma-gets ang ating minimithi

Presscon, presscon, presscon na namang muli

Pero sa dulo… katotohanan pa rin… ang magwawagi…!”

Ang reklamo ay inihain ni Victor Barral, nagpakilalang dating City Hall employee, sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Ferdinand Topacio.

“Ang mga staff naman ng Educ Department, nasanay na kasi sila sa akin na walang politika sa programa, kaya ni hindi na raw nila naisip kung anong sasabihin ng kalaban, kung meron man,” giit ni Sotto. RNT/SA