Home NATIONWIDE BI agents sinanay sa impostor detection

BI agents sinanay sa impostor detection

MANILA, Philippines- Sumailalim sa isang specialized training session ang nasa 36 tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Davao International Airport (DIA) noong Hunyo 27.

Ang nasabing pagsasanay ay nakatuon sa impostor detection at passenger assessment, na isinagawa ng mga opisyal mula sa Canada Border Services Agency (CBSA).

Nabatid na ang mga dumalo ay mga opisyal ng imigrasyon at mga teknikal na opisyal ng BI na nakatalaga sa DIA. 

Sina Mr. Greg Fiddy, CBSA International Network Manager for Asia Pacific South, at Ms. Lisa Harding, CBSA Temporary Duty Liaison Officer, ay nagsagawa ng sesyon na nakatutok sa pagtukoy at pagpigil sa mapanlinlang na paglalakbay gamit ang impostor detection techniques.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Norman Tansingco ang kahalagahan ng pagsasanay sa pagpapahusay ng kakayahan ng mga tauhan ng BI.

“This training is crucial for improving our border management capabilities,” ani Tansingco. 

“The expertise shared by the CBSA will help our officers better detect impostors and assess passengers effectively,” dagdag pa ng opisyal.

Saklaw ng nasabing pagsasanay ang mga mahahalagang pamamaraan sa pagtuklas ng impostor at assessment sa mga pasahero, na nagbibigay sa mga opisyal ng BI ng mga praktikal na kasangkapan upang palakasin ang seguridad sa hangganan ng Pilipinas.

“Effective border management is key to national security,” giit ni Tansingco. 

“Investing in the training of our personnel ensures that we are prepared to address potential threats at our borders,” dagdag pa niya. JAY Reyes