Home NATIONWIDE BI: ‘Di kami nagde-deport ng sanggol

BI: ‘Di kami nagde-deport ng sanggol

109
0

MANILA, Philippines – NILINAW ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) na hindi sila naglalabas ng anumang kautusan hinggil sa pagpapa-deport ng mga sanggol.

Ang ginawang paglilinaw ni BI Commissioner Norman Tansingco ay inilabas matapos ang isang artikulo ng balita na nagsasaad na ang isang bagong silang na sanggol ay ipinatapon ng BI.

Nabatid sa BI na ang sanggol na nabanggit sa nasabing artikulo ay anak ng isang babaeng manggagawa ng Smart Web Technology. Ang nasabing kumpanya ay ni-raid noong nakaraang taon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PAOCC), sa pakikipag-ugnayan sa BI.

Sinabi ni Tansingco na tinulungan talaga nila ang madaling pag-alis ng bata matapos ma-deport ang mga magulang nito.

“We have waived other requirements to allow the smooth travel of the child, who left together with the parents,” ani Tansingco.

“As a policy, the BI ensures the protection of minors who may have fallen into distress while in the country,” dagdag pa ni Tansingco.

Ibinahagi pa ng opisyal na ang pagharang sa tatlong Vietnamese na menor de edad na napag-alamang nagpakita ng mga ninakaw na pasaporte ng Aleman.

Ang dalawa ay agad na sumakay sa susunod na flight pabalik sa kanilang bansang pinanggalingan, habang ang isa, na naharang sa pagtatangkang umalis patungong Canada, ay itinurn-over sa Department of Social Welfare and Development para sa tulong bago ang kanyang paglipad pabalik sa Vietnam noong Agosto. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here