MANILA, Philippines – Matinding kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang Bureau of Immigration (BI) sa plano nitong ayusin ang paglalagak ng piyansa ni Tony Yang, kapatid ni Michael Yang na pawang sangkot sa ilang kriminalidad tulad ng illegal POGO at droga.
Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na nakatanggap siya ng ulat na may ilang opisyal ng Bureau of Immigration ang nagtatangkang isulong ang pagpapalaya kay Yan sa pamamagitan ng piyansa,
“I have received reports that there are officials in the Bureau of Immigration who attempted to push for the release on bail of Tony Yang,” ayon kay Hontiveros.
Sinabi ni Hontiverosna napakarami nang ebidensyang nagpapatunay ng pag-abuso ni Yang sa patakaran sa Pilipinas, tapos palalayain lang siya?
“We have seen how easy it was for Guo Hua Ping to slip out. Maniniwala ba tayo na susunod sa batas yang si Tony Yang?,” giit ni Hontiveros.
“He has made his fortune in the country by pretending to be Filipino. He, along with his brother Michael Yang, has exploited the Filipino people for his own gain,” giit pa ng senador.
Naunang inimbestigahan ng Senado ang pagkakasangkot ni Yang sa ilang krimen sa bansa tulad ng operasyon ng illegal POGO hubs na kinasangkutan din ni dating Bamban Mayor Alice Guo, money laundering at human trafficking.
“He should stay in detention,” ayon kay Hontiveros.
Aniya, kung kailangan ni Yang ng medical attention, puwede naman itong ipagamot, pero dapat mananatili sa kustodiya ng gobyerno.
“Bukod pa dito, he has a warrant of arrest from China. Hahayaan lang ba siyang makawala nalang?,” ayon kay Hontiveros.
“I’m also calling on the AMLC to speed up the investigation on the money laundering activities of Tony Yang,” dagdag ng senador.
Aniya, “hindi pwedeng hindi siya managot. Ano ito, trial balloon? Tapos si Guo Hua Ping naman? “Wag niyong linlangin ang bayan.” Ernie Reyes