Home NATIONWIDE BI nagbabala vs vs. catphishing syndicates na nag-aalok ng trabaho sa ibang...

BI nagbabala vs vs. catphishing syndicates na nag-aalok ng trabaho sa ibang bansa

188
0

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko tungkol sa mga catphishing syndicate na nagre-recruit ng mga Pilipino para ilegal na magtrabaho sa ibang bansa.

Nagbigay ng babala si BI Officer-in-Charge Commissioner Joel Anthony Viado makaraang maharang ang tatlong biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Setyembre 21.

Batay sa isinumiteng ulat kay Viado, idinetalye ng immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ng BI kung paano pinatigil ang 28-anyos na lalaking biktima at ang 24 at 27-anyos na babaeng biktima sa pag-alis ng bansa bago sumakay ng Air Asia flight papuntang Thailand.

Nabatid na nagkunwaring mga turista ang tatlong biktima na bibisita sa Thailand para sa isang holiday. Ang lalaki at isa sa mga babaeng biktima ay nag-claim na mag-asawa, habang ang isa pang babae ay nagpanggap na katrabaho.

Sa isinagawang primary inspection, napansin ng opisyal ng BI ang ilang mga pagkakaiba sa kanilang mga dokumento at isinangguni ang mga ito para sa pangalawang inspeksyon. Sa isinagawang beripikasyon, napag-alaman na sila ay nagsumite ng isang pekeng return flight ticket, na nagpapahiwatig na wala silang plano na talagang bumalik sa bansa.

Kalaunan ay inamin ng mga biktima na ang mga dokumento na kanilang ipinakita ay ibinigay lamang ng kanilang recruiter, na nag-utos sa kanila na magpanggap bilang mga kasama sa paglalakbay.

Ibinahagi din nila na na-recruit sila sa pamamagitan ng Facebook messenger para magtrabaho sa Cambodia bilang customer service representative na may sweldong mahigit P50,000.

“The syndicate reportedly traps Filipino victims by forcing them to work as scammers as part of the syndicate, luring Western victims via dating sites to invest in fake cryptocurrency accounts,” anang BI.

Dismayado naman si Viado dahil marami pa rin ang nahuhulog sa scam, na nangangako ng mataas na sweldo at malaking insentibo.

Ang mga biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at upang simulan ang legal na aksyon laban sa kanilang recruiter. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here