Home NATIONWIDE BI nagtalaga ng dagdag na tauhan para sa holiday season

BI nagtalaga ng dagdag na tauhan para sa holiday season

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nagtalaga sila ng 50 bagong trained immigration officers upang lalong mapahusay ang border control operation sa gitna ng kapaskuhan.

Ayon sa BI, ang mga opisyal ay ilalagay sa mga pangunahing lokasyon sa Mactan-Cebu International Airport, Bohol-Panglao International Airport, Caticlan Airport, at Clark International Airport.

“We are fully prepared for the peak season and are maximizing our manpower to better service the traveling public,” ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Aniya, pinakilos din ng BI ang augmentation at rapid response teams.

Inaasahan ng BI ang 4 million arrivals at 3.8 million departures sa fourth quarter ng 2023.

Samantala, sinabi ng ahensya na naobserbahan nito ang humigit-kumulang 32,000 average arrivals at 36,000 departures nitong mga nakaraang araw.

Nauna nang pinaalalahanan ni Tansingco ang mga international traveller ngayong Undas season na nasa airport nang hindi bababa sa tatlong oras bago ang kanilang nakatakdang pag-alis. JAY Reyes