Home NATIONWIDE NAIA nakapagtala ng higit 620K pasahero bago mag-Nobyembre uno

NAIA nakapagtala ng higit 620K pasahero bago mag-Nobyembre uno

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng mahigit 620,000 domestic at international na pasahero sa main gateway ng bansa bago ang “Undas”.

Batay sa datos ng MIAA na inilabas noong Martes, mula Oktubre 26 hanggang 30 ay umabot sa 295,841 international na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang nasa 324,282 naman ang domestic travelers.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa panahong ito ng taon kung kailan uuwi ang mga Pilipino sa mga probinsya para sa All Souls’ and All Saints’ Day sa Nob. 1 at 2 para bisitahin ang mga yumaong mahal sa buhay, gatundin ay upang makapagbakasyon o bumoto para sa kamakailang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Nauna rito, sinabi ng officer-in-charge ng MIAA na si Bryan Co na inaasahan nila ang average na 120,000 hanggang 130,000 na mga pasahero araw-araw, o humigit-kumulang 1.2 milyon mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5.

Sinabi ni Co na hindi inaasahan ng MIAA ang “any significant surge” sa bilang ng araw-araw na mga pasahero na kanilang pinoproseso sa NAIA.

“Eight to 10 percent (increase) at most, but those are very tolerable limits,” ayon pa kay Co.

Nagpahiwatig din ang data ng MIAA ng average na 81.77 percent on-time performance (OTP) mula Oktubre 26 hanggang 30, na may pinakamataas na 87 percent noong Okt. 26, at pinakamababa sa 78.91 percent noong Okt. 30.

Ang OTP ay sinusukat sa pamamagitan ng bilang ng mga pag-alis at pagdating na magaganap nang wala pang 15 minuto pagkatapos ng naka-iskedyul na oras ng pag-alis at pagdating, kasama ang mga pagkansela.

Idinagdag ni Co na tiniyak ng mga airline sa MIAA na inilaan nila ang ilan sa kanilang fleet bilang ekstra. JAY Reyes

Previous articlePaalala ng DOH para sa ligtas na Undas, alamin
Next articleBI nagtalaga ng dagdag na tauhan para sa holiday season