Home NATIONWIDE BI nakapagtala ng 14.7M int’l arrivals noong 2024

BI nakapagtala ng 14.7M int’l arrivals noong 2024

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na nakapagtala ang Pilipinas ng kabuuang 14,733,597 international arrivals noong 2024, kung saan hindi na nagkakalayo sa pre-pandemic figure na 17,085,097 noong 2019.

Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na sumasalamin ito sa tuloy-tuloy na pagbangon ng sektor ng turismo, na naglalapit sa bansa sa antas ng pre-pandemic sa kabila ng mga pandaigdigang hamon.

Ang South Korea ay nanatiling nangungunang pinagmumulan ng mga dayuhang pagdating, na may 1,761,281 bisita, na sinundan ng Estados Unidos na may 1,325,684 arrivals at China na may 500,082 pumasok na manlalakbay. Kasama sa iba pang pangunahing merkado ang Japan, Australia, Canada, Taiwan, United Kingdom, India, at Singapore.

“The return of international arrivals to near pre-pandemic levels is a testament to the Philippines’ appeal as a top destination,” ani Viado. “The BI remains committed to streamlining and modernizing our entry procedures to support this momentum while upholding border security,” dagdag pa ng opisyal.

Bukod sa mga arrivals, sinabi ni Viado na iniimbitahan nila ang mga dayuhang turista na manatili nang mas matagal sa Pilipinas at tangkilikin ang iba’t ibang pasyalan sa bansa sa pamamagitan ng pagpapadali at accessible sa mga serbisyo ng imigrasyon.

Aniya, madaling makuha ang visa extension at iba pang serbisyo sa pamamagitan ng mahigit 60 opisina nito sa buong bansa, o online sa pamamagitan ng e-services.immigration.gov.phJR Reyes