Home NATIONWIDE Terminong ‘forthwith’ sa Saligang Batas ipinalilinaw sa SC

Terminong ‘forthwith’ sa Saligang Batas ipinalilinaw sa SC

MANILA, Philippines- Dumulog sa Supreme Court ang isang senior high school teacher upang bigyang-linaw ang susunod na hakbang kaugnay sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Naghain ng petition for declaratory relief ang titser na si Barry Tayam upang hikayatin ang Supreme Court na aksyunan ang ilang “constitutional questions and concerns” hinggil sa aksyon ng sangay ng Ehekutibo at Lehislatura sa impeachment case ni VP Sara.

Nakasaad din sa petisyong maglabas na ang korte ng ruling sa pakahulugan ng terminong “forthwith” sa constitutional provision.

Humihingi rin ito sa kataas-taasang hukuman ng karagdagang remedyo o kinakailangang aksyon upang matiyak na sumusunod ang parehong executive at legislative departments sa mandato nito nang naaayon sa Saligang Batas.

Ayon kay Tayam, wala siyang pinapanigan sa isyu at nais lamang mabigyang-linaw kung ano ang dapat na tahakin sa pagproseso ng impeachment — kung tama bang ipagpaliban ito sa Hulyo o dapat na agarang aksyunan sa lalong madaling panahon. Teresa Tavares