MANILA, Philippines – Dumating na sa Indonesia ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation para sa koordinasyon sa Indonesian authorities kaugnay sa kaso ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan makipag-ugnayan agad ang BI at NBI dahil iba ang sitwasyon ngayon kung saan ang mga pulis ang may hawak sa dating mayor kumpara dati kina Sheila Guo at Cassandra Li Ong na Indonesian Immigration ang nakakuha.
Bukod sa NBI, maaring magpadala rin ang DOJ ng mga prosecutor sa Indonesia.
Wala pa rin katiyakan kung kailan maibabalik ng bansa si Alice Guo.
Samantala, kinumpirma ni DOJ Undersecretary Nicholas Ty na nasa Hongkong na si Wesley Guo. Teresa Tavares