MARAMI ang nagtatanong kung saan daw nakuha ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Cabatbat ang akusasyon na hindi raw kinonsulta ng pamahalaan ang mga magsasaka at maging ng National Economic and Development Authority sa paglalabas ng Executive Order 62.
Sa kaalaman ng marami, ang EO 62 na nilagdaan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos noong Hunyo 20 2024 ay isang kautusan na bawasan ang buwis sa mga inaangkat na bigas at iba pang kalakal na pang-agrikultura ng 15 porsyento mula sa 35 porsyento na mariing tinututulan ni Rep. Cabatbat na nais itaas ang taripa kabilang ang mais sapagkat nakaapekto raw ito sa produksyon ng mga magsasaka.
Iyon nga kaya ang layunin sa pagharang sa EO 62? Ang mais ay hindi lang alternatibong pagkain ng mga Pilipino kundi kailangan din sa industriya ng mga manukan at Babuyan dahil ginagamit ito bilang patuka o pagkain na nakatutulong sa local producers.
Pero hindi dapat balewalain ang posibilidad na ginagamit ng mga smuggler ang ating mga magsasaka dahil kung patuloy na mataas ang taripa, ang isa ay gumagawa ng ceiling para sa smuggling dahil ito ay nagpapababa ng kanilang mga kalakal.
Hindi mangyayari ang mas malakas na kompetisyon sa pagitan ng mga legal na importer at ng ating lokal na mga producer ng bigas at butil ngunit smuggler na hindi nagbabayad ng anomang buwis.
Ang mga smuggler ang higit na dapat katakutan dahil hindi sila kumikilos sa anomang kalidad na kasiguruhan.
Sa kabilang banda, mas nararapat sigurong pagtuunan ng pansin ng mga opisyales ng Magsasaka Partylist ang nangyayaring kaguluhan sa loob mismo ng kanilang partido dahil maraming isyu ngayon ang bumabalot na kinakailangan pang manghimasok ng Commission on Elections at Supreme Court.
Kapag hindi maayos ang gusot sa organisasyon, malamang na makaupo ang mga naglingkod na gabinete ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring makaragdag sa gulo sa halip na mabigyang-linaw ang namumuong kaguluhan.
Nagsimula ang internal dispute ng Magsasaka Partylist nang mag-unahang umakyat sa entablado ang dalawang nominee para makuha ang kanilang pagkapanalo sa isa lang na puwesto noong taong 2022.