Home NATIONWIDE BI sabit ulit sa deportasyon ng 3 POGO bosses: Di nakarating sa...

BI sabit ulit sa deportasyon ng 3 POGO bosses: Di nakarating sa China

Kuwestiyonable ang deportasyon ng tatlong hinihinalang “big bosses” ng Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) ng Bureau of Immigration (BI) dahil walang impormasyon na nakarating ito sa China.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate justice and human rights subcommittee, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na lubhang nakakapagduda ang “sobrang bilis” ng deportation process ng tatlong POGO bosses na tila nawalang parang bula pagkatapos sumakay ng eroplano.

Ibinulgar din ni Hontiveros ang “modus” na pinapayagan ng BI na bumili ng airline ticket ang sinumang dayuhan na patatalsikin na mayroong “layover upang makatakas.

“Ang modus daw ay hindi direct flight ang binibili tapos sa layover, naglalaho na parang bula ang mga bosses sa kanilang transit destination,” ayon kay Hontiveros.

Sa pagdinig, iginisa ni Hontiveros ang mga opisyal ng BI hinggil sa impormasyon tungkol sa pinatalsik na POGO bosses na sina Lyu Xun, Kong Xiangrui, and Wang Shangle-matapos silang maaresto sa Parañaque.

Partikular na kinuwestiyon ni Hontiveros sina BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan at BI Legal Division Chief Arvin Cesar Santos na kumpirmahin kung ang ticket ng tatlong Chinese nationals para sa Pagbabalik sa China na pawang direct flight o transit flight.

“If I can recall, yung first, meron pong first three na dineport… Yung ticket po nila, as I can recall, is Air Asia bound for China. Meron po yatang layover,” giit ni Manahan.

“I can’t recall, but… parang Hong Kong,” dagdag niya na tumutukoy sa transit destination.

Inamin ni Manahan na pinakamabilis ang deportasyon ng tatlong POGO bosses sa kasaysayan ng BI at naiproseso sa loob lamang ng dalawang linggo matapos magsagawa ang ahensiya ng diyalogo sa arestadong indibiduwal na kung kakayanin nilang pasani ang pagbiling tiket para sa kanilang deportasyon.

Binanggit din ni Manahan na isang hamon din para sa BI ang pagbili ng tiket sa pagpapatalsik ng arestadong dayuhan mula sa POGOs dahil walang pondo.

“Ito po yung mga challenges ng BI kung saan kukunin po yung mga tickets. Ngayon, there’s a clamor to deport yung mga nahuhuli the soonest and the fastest time,” aniya.

Sinabi pa ni Manahan na madaling napatalsik ang tatlo dahil walang manipestasyon myula sa Chinese embassy na sila ay pawang pugante o may kriminalidad sa China.

“We’ve been coordinating this to the said embassy, pero no written letter or no holdings manifested from the Chinese embassy,” aniya.

Sinabbi pa ni Manahan na wala silang impormasyon kung aktuwal na nakarating ng China ang tatlo kaya kinuwestiyon ni Hontiveros ang BI sa hindi pagmomonitor sa galaw ng sinasabing POGO bosess.

“BI of the Republic of the Philippines orders deportation of 438 persons, including these three, who I think are the Chinese POGO bosses I named. Dapat end-to-end para makumpleto yung deportation process, bakit walang information kung nakarating sila aktwal sa destination nila?” tanong ni Hontiveros.

Lubhang nadismaya si Hontiveros sa impormasyon sa pagsasbing hindi nakamit ang layunin ng deportasyon sa POGO bosses.

“Ito po yung kailangan niyong malaman, sa lahat ng resource persons natin mula sa BI. They never arrived in China. I’m making that of record for the committee. Itong tatlo na pinangalanan ko kanina.. They never arrived in China,” aniya.

“A deportation gone wrong. A simple and regular operation of the Bureau dapat. Hindi pa na-achieve ang objectives,” dagdag ng senador.

Pinarerebyu din ng senador ang patakaran sa deportasyon saka nagbabala na maaaring makabalik ang POGO bosses sa Pilipinas sa kabila ng pagiging blacklisted—sanhi ng kaluwagan sa ating borders.

“If this is the current policy overall regarding deportations, lalo na kaugnay ng POGO, which is arguably the hottest issue na hinarap ng gobyerno in the last year, then I’m telling you, maybe we need to revisit this policy, how it has been implemented so far,” aniya

“E baka nga nakabalik na sila o ang mga tulad nila dito sa Pilipinas, tungkol pa rin sa tila, napaka-porous natin ang mga borders. Parang napakadaling takasan o pasukin ng mga kriminal na elemento,” dagdag ng senador. Ernie Reyes