Home NATIONWIDE BI: Walang naitalang pag-alis ni ex-Speaker Romualdez sa Pinas

BI: Walang naitalang pag-alis ni ex-Speaker Romualdez sa Pinas

104
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) nitong Miyerkules na walang rekord ng pag-alis sa bansa si dating House Speaker Martin Romualdez.

“As of this time, Rep. Martin Romualdez has no recorded attempt to depart the country,” ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval.

Una nang napaulat na humingi umano si Romualdez ng pahintulot sa Office of the Ombudsman para bumiyahe sa Singapore para sa heart check-up, ngunit ito ay tinanggihan umano.

Gayunman, sinabi ng kanyang abogado na si Ade Fajardo na may travel authority ang mambabatas mula kay Speaker Faustino Dy III.

Nauna nang hiniling ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan na maglabas ng precautionary hold departure order (PHDO) laban kay Romualdez, ngunit wala pang desisyon ang korte hinggil dito.

Kasama rin si Romualdez sa immigration lookout bulletin order (ILBO) dahil sa imbestigasyon sa umano’y irregularidad sa flood control projects.

Nilinaw ng BI na ang ILBO ay hindi nagbabawal sa paglalakbay kundi nagsisilbi lamang upang maabisuhan ang mga awtoridad sa anumang pag-alis o pagdating ng taong sakop nito. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here