Home ENTERTAINMENT Bianca, nagparinig ng kasal kay Ruru!

Bianca, nagparinig ng kasal kay Ruru!

Manila, Philippines- Para-paraan.

This is the least Bianca Umali could do to send her message across.

Understandably, idinaan ni Bianca ang pagpaparinig sa kanyang nobyong si Ruru Madrid sa pamamagitan ng lookalike nito.

Sumali kasi sa Kalokalike segment ng It’s Showtime ang doppelganger ni Ruru (na umuwing talunan, having lost to Carlos Yulo’s spitting image).

Ayon sa nagsilbing judge ay nag-propose na raw si “Ruru” ng kasal sa kanya.

In fairness, napag-uusapan na naman daw nila ng the real Ruru ang tungkol sa pagpapakasal.

Feeling ng mga viewers and netizens alike, Bianca’s pagpaparinig was meant to remind Ruru of the latter’s marriage proposal in case he may have forgotten about it.

Consistently in the past interviews, sinasabi naman ni Ruru na si Bianca na ang kanyang “the one.”

It’s just that the Kapuso actor has yet to give a definite altar date dahil gusto raw muna niyang makapagpatayo ng bahay nila ni Bianca.

Ruru is still in the process of saving up for their exchange of I do’s day. Ronnie Carrasco III