BICOL – Arestado ang pinaka-wanted sa Bicol Region na si “Jake,” miyembro ng New People’s Army (NPA), sa Masbate noong Agosto 5.
Konektado siya sa Komiteng Larangang Gerilya North ng Bicol Regional Party Committee.
Nahaharap si Jake sa maraming kaso: apat na bilang ng murder, isang frustrated murder, dalawang attempted murder, at dalawang paglabag sa international humanitarian law.
Inilabas ang mga warrant mula 2021 hanggang 2022. Nasa kustodiya na siya ng Criminal Investigation and Detection Group sa Masbate. RNT