Home NATIONWIDE Bicol solons nanawagan, Senate inquiry sa People’s Initiative tapusin na!

Bicol solons nanawagan, Senate inquiry sa People’s Initiative tapusin na!

MANILA, Philippines – Nanawagan si National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte at iba pang mga mambabatas mula sa Bicol, sa Senado para itigil na ang imbestigasyon nito sa sinuspindeng People’s Initiative (PI).

Anila, dapat umanong tutukan ng Senado ang pag-apruba sa mga panukalang batas na mag-aalis sa restrictive economic provisions sa Konstitusyon bago ang recess ng Kongreso sa Semana Santa.

“The current Senate hearings on the PI process initiated by private groups long yearning for Charter change, in which the House of Representatives and its leaderships have surprisingly and unfortunately become the subject of the inquiry, contravene inter-parliamentary courtesy and reek of undue interference by members of one chamber in the official acts of legislators belonging to the other,” pahayag ni Villafuerte.

Iginiit niya na ang pag-iimbestiga ng Senado laban sa mga miyembro ng Kamara ay lumalabag sa ‘mutual respect’ at ‘civility’ na inaasahan sa isang bicameral setup ng Kongreso.

Naniniwala sina Villafuerte, kasama sina Miguel “Migz” Luis Villafuerte, Tsuyoshi Anthony Horibata, at Bicol Saro Rep. Brian Raymund Yamsuan, na ang pagtapos sa Senate inquiry ay magpapakita ng “commitment” sa jointly advancing constitutional reform, partikular ang RHB 6.

Layon ng RHB 6 na alisin ang economic restrictions sa Konstitusyon, na naipasa ng Kamara noong Marso 2023.

Kasunod ng pakikipag-usap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa Charter change, sinabi ni Senate Majority Leader Zubiri, na bubuuin ang isang subcommittee na pangungunahan ni Sen. Juan Edgardo Angara upang suriin ang mga amendment sa economic provisions, simula ngayong buwan.

Nagpahayag naman ng intensyon si Zubiri na maipasa ang RHB 6 bago ang legislative break. RNT/JGC

Previous articleP2.7M shabu narekober sa 2 ex-convict sa Cebu
Next articleMiyembro ng 4Ps na nagsangla ng cash card, aalisin sa listahan