Home NATIONWIDE Miyembro ng 4Ps na nagsangla ng cash card, aalisin sa listahan

Miyembro ng 4Ps na nagsangla ng cash card, aalisin sa listahan

MANILA, Philippines – Posibleng alisin na sa listahan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nagsangla o nangutang gamit ang kanilang cash card.

“Nag-iispot check kami during the family development sessions na dapat dala nila (4Ps beneficiaries) ang ATM [cards] dahil bawal [‘yung pagsanla ng card]. They can be delisted from the program,” babala ni DSWD Director at 4Ps program manager Gemma Gabuya sa isang media forum nitong Pebrero 1.

Hinimok ni Gabuya ang mga benepisyaryo na maging “model citizens” sa pagsunod sa mga panuntunan ng naturang programa.

“You have to take care of the resources of the government. You should be the one who models the face of the program,” aniya. RNT/JGC

Previous articleBicol solons nanawagan, Senate inquiry sa People’s Initiative tapusin na!
Next articleCollege student arestado sa pagtakas, pagbangga sa police checkpoint sa Cavite