Home METRO College student arestado sa pagtakas, pagbangga sa police checkpoint sa Cavite

College student arestado sa pagtakas, pagbangga sa police checkpoint sa Cavite

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 19-anyos na college student dahil sa pagtakas at pagbangga sa isang pulis sa checkpoint sa Cavite.

Ayon sa Bacoor City Police Station, ang estudyante na tinawag na alyas “Jericho” ay nagmamaneho ng motorsiklo kasama ang dalawa iba pa kahit na wala itong suot na helmet noong Pebrero 2 sa Barangay Molino 6, Bacoor City.

Dahil dito ay pinara siya ng mga awtoridad.

Sa halip na huminto, tumalon at tumakas pa ang dalawang pasahero nito habang binangga naman ni Jericho ang pulis na si Pat. Ambrosio.

Nagawa pang mahawakan ni Ambrosio si Jericho at napagtulungan naman ng mga kasamahang pulis dahilan para ito ay tuluyang maaresto.

Napag-alaman na walang lisensya si Jericho at lumabas din sa resulta ang 0.074 percent blood alcohol content sa isinagawang breath analyzer test sa kanya.

Nahaharap ang drayber sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury, direct assault, at iba pang traffic regulatory cases. RNT/JGC

Previous articleMiyembro ng 4Ps na nagsangla ng cash card, aalisin sa listahan
Next articleIriga City public market, nasunog!