Home METRO Iriga City public market, nasunog!

Iriga City public market, nasunog!

MANILA, Philippines – Pansamantalang isinara ang pamilihang bayan sa Iriga City, Camarines Sur dahil sa sunog na tumupok sa 109 stalls at tatlong tirahan nitong Biyernes, Pebrero 2.

Ayon kay Chief Inspector Junjen Novela, Iriga City Fire marshall, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula ala-1 ng madaling araw at idineklarang fire out bandang 2:47 ng umaga.

Wala namang naitalang nasawi sa insidente.

Ani Novela, nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon sa dahilan ng sunog.

Karamihan sa mga stall na nasunog ay ang wet at dry goods section ng pamilihan.

Magpapaabot naman ng tulong ang lokal na pamahalaan para sa mga apektadong negosyante at may-ari ng mga tirahan.

Plano rin nito na pansamantala munang ilipat ang lahat ng establisyimento para sa kanilang kaligtasan. RNT/JGC