Home METRO Big 3 provinces sa Region 3 tatambakan ng parak para sa 2025...

Big 3 provinces sa Region 3 tatambakan ng parak para sa 2025 polls

100
0

Bulacan – Nasa mahigit 100 karagdagang pulis ang ipapakalat para magpapatrulya at paghahanda na rin sa papalapit na 2025 midterm election sa lalawigang ito.

Ito ang sinabi ni PBGEN Redrico Maranan, Regional Director, PRO3 sa isang panayam ng mga Bulakenyong mamamahayag nitong Lunes ng hapon, Oktubre 21 sa Camp Julian Olivas, San Fernando, Pampanga.

Aniya, bukod sa Bulacan, nagpakalat din sila ng tig-100 pulis sa Pampanga at Nueva Ecija na tinawag niyang “Big 3 provinces”.

Sinabi din ni Maranan na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa kanilang counter parts gaya ng Armed Forces of the Philippines, COMELEC at lahat ng local government units para sa kanilang kinakailangang resources sa darating na election period.

Kaugnay nito, kanilang mahigpit na hahabulin ang mga private armed groups, criminal gangs, drug syndicates at ang loose firearms.

Kapag nawala ang mga risk factors na ito ay siguradong magiging maayos at matahimik ang paparating na eleksyon, dagdag ng heneral. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here