MANILA, Philippines – Binigyang diin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kahalagahan ng cross-agency collaboration o pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang magkaroon ng komprehensibong pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Ito ang naging pagtalakay sa ginanap na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na ginanap nitong October 14 hanggang October 17 sa Philippine International Convention Center (PICC).
Sinabi ni DSWD Undersecretary Vilma Cabrera sa session ng “Leveraging a Whole of Government Approach”, sa ginanap na APMCDRR “integrated efforts are essential in addressing complex challenges and mitigating the impacts of crises. The role of social welfare and national disaster authorities is crucial in fostering resilience, ensuring that communities are better prepared and more capable of recovery.”
Ayon kay Cabrera, pinapalakas ng pamahalaan ang pagtutulungan ng bawat government agency o whole-of-government approach, kung saan nagagamit dito ang expertise ng bawat ahensya para sa paghahanda at interbensyon na kailangan bilang pagtugon sa panahon ng krisis at kalamidad.
Ang DSWD ang responsable sa implementasyon ng Disaster Response Pillar sa panahon ng disaster response operations. Ang ahensya ang nagmo-monitor at nagbibigay ng agarang aksyon sa mga disaster-affected population.
Ayon pa sa opisyal hindi aniya humihinto ang ahensya sa pagsasaayos at pagpapalakas ng social protective services nito para sa disaster preparation, response and recovery phases, bilang commitment sa implementation ng ASEAN guidance on the role of social service workforce para sa disaster risk reduction and climate resilience.
Ang regional guideline ay kabilang sa napagkasunduang ASEAN Dialogue nitong nakaraang Mayo, na naglalayong palakasin ang delivery of social services bilang pagtugon sa kalamidad at isyu ng pagbabagong klima.
Ang APMCDRR na ginanap ngayong taon, ay nagbuklod sa government agencies; intergovernmental, international, national civil society organizations; private sector; science; academia; at stakeholder groups upang makabuo ng platform para sa regional collaboration in disaster risk reduction and resilience building. Santi Celario