Home NATIONWIDE Big-time oil price hike, asahan!

Big-time oil price hike, asahan!

MANILA, Philippines – Asahan ng mga motorista ang panibagong malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa oil trading sa nakalipas na apat na araw, posibleng tumaas ang presyo sa kada litro ng gasolina, diesel, at kerosene.

Ang gasolina ay posibleng madagdagan ng P0.90 hanggang P1.20 kada litro, P1.20 hanggang P1.40 sa kada litro ng diesel, at kerosene naman mula P1.10 hanggang P1.30 sa kada litro.

Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC