Home NATIONWIDE Foreign reserves tumaas sa $104B noong Marso – BSP

Foreign reserves tumaas sa $104B noong Marso – BSP

MANILA, Philippines – Tumaas ang foreign reserves ng Pilipinas sa pagtatapos ng Marso, na nagpapakita ng ‘appreciation’ o pagtaas ng gold assets at overseas investments ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Sa preliminary data na inilabas ng BSP, nakita na nanatili sa $104 bilyon ang gross international reserves (GIR) ng bansa. Ang GIR ay sukatan ng kakayahan ng bansa na mag-import ng mga bayad at serbisyo sa foreign debt.

Mas mataas ito sa end-February 2024 level na $102 billion.

Ang reserve assets ng BSP ay binubuo ng foreign investments, gold, foreign exchange, reserve position sa the International Monetary Fund (IMF), at special drawing rights.

“The month-on-month increase in the GIR level reflected mainly the National Government’s (NG) net foreign currency deposits with the BSP, upward valuation adjustments in the value of the BSP’s gold holdings due to the increase in the price of gold in the international market, and net income from the BSP’s investments abroad,” sinabi pa ng BSP.

Ang end-March GIR level ay sumasalamin sa “a more than adequate external liquidity buffer equivalent to 7.7 months’ worth of imports of goods and payments of services and primary income.”

Makikitang sapat ang GIR kung kaya nitong pondohan ang tatlong buwang halaga ng import ng mga produkto, payments og services at primary income-earnings ng overseas Filipino workers at profit ng Philippine investments abroad.

Ang end-March foreign reserves level ay 6.1 beses sa short-term external debt ng bansa batay sa original maturity at 3.7 beses batay sa residual maturity.

Ang short-term debt ay batay sa residual maturity na tumutukoy sa “outstanding external debt with an original maturity of one year or less,” at principal payments sa medium- at long-term loans sa “public at private sectors falling due” sa susunod na 12 buwan.

Ikinokonsiderang sapat naman ang lebel ng GIR kung nagbibigay ito ng 100% cover para sa payment ng foreign liabilities, public at private, falling due within the immediate twelve-month period, ayon sa BSP. RNT/JGC