Home NATIONWIDE Internet overseas voting magpapabuti sa election turnout, cost – Comelec

Internet overseas voting magpapabuti sa election turnout, cost – Comelec

MANILA, Philippines – Makatutulong ang overseas voting na gagawin online para makapagtipid ng pera ng taumbayan at magkaroon ng mas mataas na election turnout, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes, Abril 5.

“It will also serve as the key in lowering our expenses in overseas voting. If you recall, we have to transport voting machines, ballots and other election paraphernalia, and train people [to man the overseas voting precincts in Philippine consulates and embassies],” sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco sa Bagong Pilipinas public briefing.

Ani Laudiangco, dahil inanunsyo ng Comelec ang intensyon nito na magsagawa ng pagboto sa pamamagitan ng Internet sa maraming mga bansa, nasa 100,000 Filipino overseas ang nagparehistro na bilang first-time voters o nag-reactivate ng kanilang rehistro.

“Since our countrymen abroad heard that there will be Internet voting, the number of overseas absentee voting registrations have slowly started to increased—there’s now more or less 100,000 who’ve registered abroad and we expect there will be more in the coming weeks,” anang opisyal.

Sinabi pa ni Laudiangco na umaasa ang Comelec na hindi lamang tataas ang internet voting kundi magreresulta rin ito sa mas mataas na turnout.

Sa eleksyon noong 2022, sa 1.6 milyong nakarehistrong botante abroad ay mas mababa sa 38% lamang o 600,000 ang bumoto.

“When we conducted a survey among our countrymen abroad, their reasons for not being able to vote is that the embassies and consulates [serving as voting precincts] were far from them, and they did not have the time to vote, even if they have 30 days to do so,” ani Laudiangco.

Sa mga bumoto via mail, marami ang bigong nagbalik ng kanilang balota kahit na bayad na ang postage nito dahil malayo ang mga post office sa kanilang lugar.

Hindi rin nakaboto ang mga seafarer na mga nasa dagat sa 30-day voting period.

“That is why with internet voting, wherever they are—in their homes or at work, especially our mariners and seafarers on their ships—for as along as there’s an internet [connection], they can register their gadgets in order to vote,” pagbabahagi ni Laudiangco.

Noong Abril 2, nagbigay ng pinakamababang bid ang joint venture ng SMS Global Technologies Inc. at Sequent Tech Inc. na P112 milyon, para sa kontrata ng Comelec sa online voting at counting system para sa overseas absentee voters. RNT/JGC