Home NATIONWIDE Serye ng pagpatay sa mga opisyal ng barangay, kinondena ng CHR

Serye ng pagpatay sa mga opisyal ng barangay, kinondena ng CHR

MANILA, Philippines – Kinondena ng Commission on Human Rights ang panibagong serye ng mga pagpatay sa mga opisyal ng barangay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“This year has seen an increase in the number of incidents involving violence against barangay officials, which is alarming and necessitates an immediate investigation,” saad sa pahayag ng CHR.

Ang pinakabagong mga biktima ay ang tatlong incumbent officials at isang dating opisyal ng barangay.

Iginiit ng komisyon na mahigpit nitong kinokondena ang mga pagpatay.

“As duty-bearers, we cannot allow citizens to become desensitized to attacks on those engaged in political activities. CHR will work closely with the relevant government agencies to ensure fairness, transparency and impartiality in the investigations and prosecution of these cases,” anang CHR.

Ito na ang ikalawang pagkakataon ngayong taon na nagpahayag ng pangamba ang CHR sa kaligtasan ng mga barangay officials at posibleng epekto nito sa paparating na 2025 elections. RNT/JGC