Home NATIONWIDE Big-time oil price hike bubungad sa Abril

Big-time oil price hike bubungad sa Abril

MANILA, Philippines- Sinalubong ng malakihang dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo ang unang araw ng Abril makaraang ipatupad ito ng mga kompanya ng langis sa bansa na magiging epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, Caltex (CPI) at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.40 sa kada litro ng gasolina habang P1.20 naman sa kada litro ng diesel at kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-presyo rin sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang CleanFuel na magiging epektibo bukas ng alas-4:01 ng hapon

Ang ipatutupad na oil price hike ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa na P1.10 kada litro ng gasolina habang P0.40 naman sa kada litro ng diesel at kerosene. JAY Reyes