Maagang nagtungo ang mga kapatid na Muslim sa Golden Mosque sa Quiapo, Maynila at Quirino Grandstand para sa panalangin kasabay ng pagdiriwang ng Eid'l Fitr na tanda ng pagtatapos ng Ramadan. Crismon Heramis
MANILA, Philippines- Nagpakalat ng mga tauhan ang Manila Police District (MPD) sa Quirino Grandstand at sa Quiapo sa Maynila para pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng mga mananampalatayang Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ngayong Lunes, Marso 31.
Hindi pa man nagbubukang-liwayway ay marami nang nagtungo sa Quirino Granstand para sa nasabing okasyon na idineklarang Muslim holiday bilang pagtatapos ng buwan ng holy fasting ng Ramadan na isa sa pinakaimportanteng selebrasyon sa Islam.
Ayon sa MPD, umabot sa libo-libong mga kapatid na Muslim ang nakiisa sa pagdiriwang, base na rin sa tala ng organizer mula sa Sultan Suhall Abangon.
Nagsimula ang kanilang programa ng alas-6:45 ng umaga at natapos ito bandang tanghali kung saan sabay-sabay naman ang bawat pamilya na nagsalo-salo ng kanilang handang pagkain.
Naging mapayapa naman ang buong pagdiriwang. Jocelyn Tabangcura-Domenden