Home METRO Big time pusher, tiklo sa P3.4M tobats

Big time pusher, tiklo sa P3.4M tobats

1
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang isang lalaki na hinihinalang big- time na tulak ng iligal na droga at masabat sa ang nasa P3.4 Milyon halaga ng shabu, matapos masakote ito sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Dau, Mabalacat City.

Kinilala ng PDEA ang naarestong suspek na si alyas “Haji”, 22 anyos na nagta-trabaho bilang isang courier driver na front umano nito para hindi mahalata ang iligal na gawain.

Nadakip ang suspek na isinailalim sa surveillance, makaraang maaktuhan nagbenta umano ng shabu sa PDEA undercover agent.

Narekober sa suspek ang nasa 500 grams ng suspected shabu na may standard drug price P3,400,000 at ang marked money na ginamit sa buybust.

Nasa kustodiya na nang PDEA Jail facility ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here