Home NATIONWIDE “Huwag lang isisi ang gadget”: Bishop Santos, teknolohiya, pamilya dapat magtulungan para...

“Huwag lang isisi ang gadget”: Bishop Santos, teknolohiya, pamilya dapat magtulungan para protektahan kabataan

1
0

MANILA, Philippines – Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang publiko na huwag isisi sa social media at online games ang mga sunod-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan.

Sa halip, nanawagan ang obispo na buuin ang “kultura ng presensya at malasakit” — mula sa tahanan, paaralan, komunidad hanggang sa Simbahan.

“Hindi lang dapat itanong kung nakakapatay ba ang online games. Ang mas dapat nating tingnan ay anong klaseng tahanan at kapaligiran ang meron ang mga bata,” paliwanag ni Bishop Santos.

Hinikayat din ni Bishop Santos na huwag ituring na kaaway ang teknolohiya. Sa halip, dapat itong gamitin nang may wastong paggabay at hindi hayaang kontrolin nito ang buhay ng kabataan.

Nanawagan ang obispo na bigyang-pansin ang mga senyales tulad ng matinding pagbabago sa asal, bullying, pagbabanta at paglayo sa pamilya o ibang tao.

Nanawagan din si Bishop Santos na bantayan ang mga warning signs tulad ng biglaang pagbabago sa ugali, bullying, pagbabanta, at paglayo sa pamilya o kaibigan.

Giit ng Obispo may pananagutan ang lahat. Aniya dapat gawing  ligtas na lugar, ang tahanan, paaralan, parokya, at maging ang digital spaces para sa mga kabataan.

Giit ng Obispo , presensya bago parusa , malasakit bago teknolohiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here