Home HOME BANNER STORY Bigtime oil price hike gugulong sa Martes

Bigtime oil price hike gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng bigtime oil price hike ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag presyo na P1.10 sa kada litro ng gasolina, P1.55 sa kada litro ng diesel at P1.40 naman sa kada litro ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bigtime oil price hike din sa mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) na ipatutupad alas-12:01 bukas ng madaling araw habang ang kompanyang CleanFuel naman ay magiging epektibo alas-4:01 bukas ng hapon.

Ang ipaptuupad na dagdag-presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo kung saan may dagdag-presyo na P0.45 sa kada litro ng gasolina habang bawas-presyo naman na P0.60 sa kada litro ng diesel at P1.05 sa kada litro naman ng kerosene. JAY Reyes