Home METRO #WalangTubig sa ilang lugar sa Abril 8-9

#WalangTubig sa ilang lugar sa Abril 8-9

MANILA, Philippines- Nakaambang makaranas ang mga kustomer ng Manila Water at Maynilad ng hanggang walong oras ng service interruptions ngayong linggo, sa pagsasagawa ng concessionaires ng maintenance activities.

Sa abiso, sinabi ng Manila Water na magpapatupad ito ng service improvement activities sa mga sumusunod na lugar mula alas-10 ng gabi ngayong April 8, 2024 hanggang alas-4 ng madaling araw sa April 9, 2024:

Pasig City

Aktibidad: Leak Repair

Lokasyon: Dr. Sixto Antonio Avenue, Maybunga, Pasig City

Apektadong lugar: Ilang bahagi ng Barangay Maybunga

Taytay, Binanganona & Angono, Rizal

Aktibidad: Gear Box Replacement

Lokasyon: Manila East Road (harap ng Shell), Angono, Rizal

“Pinapayuhan ang mga apektadong customer na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang scheduled interruption. Pagbalik ng water service, hayaan munang dumaloy ang tubig nang panandalian hanggang sa luminaw ito,” saad sa abiso.

Kasalukuyang sineserbisyuhan ng Maynilad ang mga kustomer sa west zone, saklaw ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Gayundin, abot ang serbisyo nito sa ilang lugar sa Cavite tulad ng mga lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario. RNT/SA