Home NATIONWIDE Bigtime oil price rollback, aarangkada

Bigtime oil price rollback, aarangkada

1034
0

MANILA, Philippines – Asahan ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, bunsod ng pagkalma ng tensiyon sa Gitnang Silangan kasunod ng ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran.

Tinatayang rollback:

Gasolina: ₱1.00–₱1.40 kada litro

Diesel: ₱1.60–₱2.10 kada litro

Kerosene: ₱2.00–₱2.20 kada litro

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay ito sa resulta ng apat na araw ng kalakalan sa Mean of Platts Singapore (MOPS), na ginagamit na batayan sa presyuhan ng petrolyo sa Southeast Asia.

Paliwanag ni Romero, ang ceasefire announcement ni dating US President Donald Trump ay nagdulot ng pagbaba ng presyo ng krudo, na siyang bumawi sa naunang pagtaas ng presyo.

Matatandaang ngayong linggo ay dalawang beses nagpatupad ng taas-presyo ang mga kompanya ng langis, bunga ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Israel at Iran. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here