MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ng pag-ulan ang Habagat at localized thunderstorms sa ilang bahagi ng bansa sa susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Metro Manila, Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, at Palawan.
Samantala, bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may mga panaka-nakang pag-ulan o pagkulog-kidlat ang mararanasan sa Bicol Region, nalalabing bahagi ng Mindanao, Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.
Katamtaman hanggang mahina ang ihip ng hangin at banayad hanggang katamtaman ang pag-alon sa buong bansa. RNT