Home HOME BANNER STORY Malaybalay City, Bukidnon lubog sa malawakang pagbaha

Malaybalay City, Bukidnon lubog sa malawakang pagbaha

1074
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa humigit-kumulang P23 milyon ang inisyal na pinsala sa agrikultura dulot ng pagbaha sa Malaybalay City, Bukidnon, batay sa ulat ng Rapid Damage Assessment and Needs Analysis (RDANA) team.

Binaha ang humigit-kumulang 729 ektarya ng palayan at taniman ng mais, habang nagpapatuloy pa ang beripikasyon sa mga datos.

Ayon sa ulat, nasira rin ang apat na bahay at higit 1,000 pamilya mula sa pitong barangay sa Basakan District ang naapektuhan.

Iginiit ni Mayor Jay Warren Pabillaran ang kahalagahan ng tamang datos upang magabayan ang CDRRMC sa pagtugon at agarang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at residente.

Kabilang sa mga tinalakay sa ulat ang pangangailangang ayusin ang mga nasirang kalsada at pasilidad. Binanggit ng pamahalaang lungsod ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya sa pagtulong at paghahanda laban sa mga susunod na kalamidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here