Home NATIONWIDE Bigtime tulak arestado sa P20.4M tobats sa Bulacan

Bigtime tulak arestado sa P20.4M tobats sa Bulacan

BULACAN – Inaresto ng mga anti-drug operatives ng Philippine National Police (PNP) ang isang high-value target at nakuhanan ng PHP20.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Brig. Gen Eleazar Matta, PNP Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director, ang suspek na si alyas “Marvin,” 33-anyos,” na nahuli dakong alas-4:55 ng madaling araw sa Barangay Tungkong Mangga.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang tatlong kilo ng shabu at iba pang ebidensya sa operasyon.

Ang suspek, na ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya, ay nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act. Ang mga nasamsam ay ipinadala na sa Bulacan Provincial Crime Laboratory para sa pagsusuri. RNT