MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko na iulat ang mga indibidwal na nag-aalok ng ng pekeng Overseas Employment Certificates (OEC).
Ayon sa DMW, maarin ipadala ang ulat sa [email protected] or through DMW’s Facebook page.
Ang panawagan ng DMW ay makaraang maaresto ng Bureau of Immigration (BI) ag isang babae na paalis ng bansa matapos makapagpakita ng pekeng OEC noong Disyembre 30.
Paalala ng ahenysa sa publiko, huwag magpaloko sa mabilisang proseso n dokumento para makaalis ng bansa para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa DMW, ito ay upang hindi rin mabiktima ng illegal recruiter,human trafficking at onine scams. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)