Home NATIONWIDE Walang sapilitang cash bond sa bagong importers – BOC

Walang sapilitang cash bond sa bagong importers – BOC

MANILA, Philippines – NAGBABALA ang pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) sa publiko laban sa mapanlinlang na memorandum na nagsasaad ng pagpapatupad ng mandatory cash bond para sa mga bagong importer.

Sa isang pahayag, kinondena ng BOC ang kumakalat na naturang memorandum na inilabas ng Office of the Commissioner, na sinasabing napetsahan noong Nob. 21, 2024.

“The uncovered falsification of document, which was deliberately made to appear as one issued by the Office of the Commissioner, is a dire attempt to mislead the public and undermine the integrity of the BOC’s operations, not mention concomitant swindling schemes against gullible and unsuspecting transacting stakeholders,” saad ng BOC.

“The information and regulations contained in the document are entirely baseless and do not reflect the policies or practices of the agency,” dagdag pa ng BOC.

Dahil dito, magsasagawa umano ang BOC ng masusing imbestigasyon sa usapin para matukoy ang mga indibidwal o grupo sa likod ng malisyosong gawaing ito.

“Legal action will certainly be pursued to the fullest extent against those found responsible for this fraudulent activity,” saad pa ng BOC.

Hinihimok ng BOC ang publiko, mga stakeholder, at ang importing community na maging mapagbantay at i-verify ang pagiging tunay ng anumang komunikasyon o patakaran sa pamamagitan ng mga opisyal na channel. Ang lahat ng nauugnay na patakaran ng BOC ay inilathala sa opisyal na website nito sa customs.gov.ph.

Para sa mga katanungan o mag-ulat ng mga kahina-hinalang dokumento, hinihikayat ang mga stakeholder na makipag-ugnayan sa Bureau of Customs sa pamamagitan ng hotline nito sa (02) 8705-6000 o mag-email sa [email protected]. JR Reyes