Home METRO Bigtime tulak timbog sa P.7M tobats sa Bulacan

Bigtime tulak timbog sa P.7M tobats sa Bulacan

205
0

Bulacan – Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos makumpiskahan ng ₱700,400 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Bocaue.

Sa ulat ni PLt. Col. Virgilio Ramirez, Acting Chief of Police ng Bocaue Police Station, nakilala ang suspek na si alyas “Casper,” 30, residente ng Barangay Biñang 2nd.

Ayon sa report, ikinasa ng mga operatiba ang operasyon bandang alas-7:00 ng gabi nitong Oktubre 7 sa Barangay Caingin.

Narekober mula sa suspek ang tinatayang 103 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱700,400.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kaukulang kasong kriminal at kasalukuyang nakakulong sa Bocaue Municipal Police Station. Dick Mirasol III 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here