Home METRO Bilang ng nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, 8 na — OCD

Bilang ng nasawi sa M7.8 lindol sa Mindanao, 8 na — OCD

1
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa walo (8) ang naitalang nasawi sa magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes.

Ayon kay OCD deputy spokesperson Diego Mariano, batay ito sa impormasyon mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at patuloy pang bineberipika ang mga ulat.

Distribusyon ng mga napaulat na nasawi:

  • Davao Occidental – 3

  • General Santos City – 3

  • South Cotabato – 2

Wala pa umanong kumpletong impormasyon ang OCD tungkol sa lawak ng pinsala sa imprastraktura.

Patuloy ang beripikasyon at monitoring ng mga lokal na awtoridad kaugnay ng epekto ng malakas na lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here