Home HOME BANNER STORY Bilang ng tambay na Pinoy, bumaba sa 2.03M noong Agosto — PSA

Bilang ng tambay na Pinoy, bumaba sa 2.03M noong Agosto — PSA

292
0

MANILA, Philippines – Bumaba sa 2.03 milyon ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Agosto 2025 kasabay ng patuloy na pagbangon ng labor market, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Miyerkules.

Ayon kay PSA chief Claire Dennis Mapa, mas mababa ito kumpara sa 2.59 milyon na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Katumbas ito ng 3.9% unemployment rate mula sa 52.13 milyong Pilipino sa labor force, mas mababa kaysa 5.3% noong Hulyo.

Ibig sabihin, 39 sa bawat 1,000 Pilipino na may edad 15 pataas ang walang trabaho noong panahong iyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here