Home NATIONWIDE 4 sugatan, 122 pamilya lumikas sa flashflood sa Sarangani

4 sugatan, 122 pamilya lumikas sa flashflood sa Sarangani

293
0

MAASIM, Sarangani — Apat ang nasugatan at 122 pamilya ang lumikas matapos bahain ng flashflood ang anim na barangay sa bayan ng Maasim nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sanhi ng pagbaha ang pag-apaw ng sapa bunsod ng malakas na ulan mula sa localized thunderstorms at intertropical convergence zone (ITCZ).

Isa sa mga sugatan ay nakuryente, habang tatlo ang nasugatan sa paa matapos dumaan sa bubong ng kanilang bahay upang makatakas sa rumaragasang tubig.

Sa isang video, makikitang mahigpit na kumapit sa puno ng niyog ang isang lalaki sa Barangay Kablacan bago siya nailigtas ng mga awtoridad. Ilang motorista at pasahero rin ang na-stranded ng anim na oras dahil sa baha na lumubog sa mga bahay at establisimyento.

Maraming residente ang nawalan ng ari-arian, habang ilang bahagi ng Puerto Princesa City sa Palawan ay binaha rin dahil sa parehong sistema ng panahon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here