MANILA, Philippines – Bilang bahagi ng nagpapatuloy na kooperasyon sa second leg ng PCG Tri-Country Port Visit, ang Philippine Coast Guard at Malaysian Maritime Enforcement Agency o MMEA ay nagkaroon ng bilateral meeting noong Abril 9.
Pinangunahan ang pagpupulong ni Rear Admiral Hostillo Arturo Cornelio ng PCG at First Admiral Vincent Rajamony ng MMEA.
Tinalakay sa pagpupulong ang ilang pangunahing usapin na layon ang pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa sa larangan ng maritime security.
Isa sa napag-usapan ang matagumpay na visit, suporta sa ASEAN Coast Guard Forum, at ang planong Memorandum of Cooperation na magpapalawak ng pagtutulungan sa impormasyon, pagsasanay, at joint operations.
Nagpasalamat ang PCG sa MMEA sa pagtanggap at suporta sa kanilang mga opisyal noong 2024, at inihayag ang planong magbukas ng specialized training para sa mga dayuhang estudyante sa 2026.
Muling tiniyak ng PCG at MMEA ang kanilang pagtutulungan para sa mas matatag na seguridad sa karagatan at mas malawak na kooperasyon sa rehiyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden